Philippine STAR

Ang The Philippine STAR ay itinatag ilang buwan matapos ang EDSA Revolution ngoon 1986, ng parehong grupo ng mga taong nagbigay buhay sa Philippine Daily Inquirer, isa sa mga kakumpitensya nito ngayon. Ang pahayagan ay pinatatakbo ng Philstar Daily, Incorporated.Itinayo sa simula bilang pahayagan ng administrasyon, ang kulay dilaw ng pahayagan ay sinadya para ipakita ang suporta sa noo'y Pangulong Corazon Aquino. Sabi ng presidente ng Philstar Daily at chief executive officer na si Miguel Belmonte, ang pahayagan ay sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte, sa kabila ng kulay. Huwag natin subukan ibenta ang aming pahayagan para saktan ang imahen ng Pangulo," sabi ni Belmonte.Ang ama ni Miguel si Feliciano Belmonte, Jr. ay miyembro ng Mababang Kapulungan at dating House Speaker, samantalang ang kapatid niya ay si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte. Pareho silang miyembro ng Partido Liberal. Gayunman, sabi ni Miguel, hindi sila nakikialam sa mga pang editoryal na polisiya ng pahayagan, kahit na sila ay may kaparte sa kumpanya.Ang namayapang pinunong babae ng pamilya Belmonte, si Betty Go-Belmonte, ay isa sa mga tagapagtatag ng The Philippine STAR. Siya ay anak ni Go Puan Seng, tagapaglathala ng The Fookien Times, isang pang-araw-araw pahayagan na nilalathala sa wika ng mga Tsina na itinatag noong 1926, ngunit isinara noong ipataw ang martial law.“Alam nila na ang kredibilidad at integridad ang buhay ng pahayagan. Minsang mawala ito, ano ang mangyayari? Ito ang kabuhayan ng aming pamilya. Hindi kami bilyonaryong pamilya na nagpapatakbo ng pahayagan para lang protektahan ang ibang mga negosyo, o gagamit ng pahayagan para sa impluwensya. Hindi. Ito ay negosyo ng aming pamilya. Dito nakamit ng aming pamilya ang yaman, mula sa tagumpay ng Philippine STAR,” sabi niya.Ngayon, 20 porsiyento na lamang ng Philstar Daily ang pagmamay-ari ng pamilya Belmonte. Representative Belmonte has 4.8 percent shares while his children Isaac, Kevin, Miguel and Joy each own 3.8 percent. Si Congressman Belmonte ay may 4.8 porsiyentong kaparte samantalang ang mga anak niyang sina Isaac, Kevin, Miguel at Joy ay may tig 3.8 porsiyento.Karamihan ng parte -- 51 porsiyento -- ay pag-aari ng Hastings Holdings, Incorporated, na pag-aari ng grupo ng mga kumpanya ni Manuel V. Pangilinan (MVP). Sabi ni Miguel si MVP ang unang lumapit sa kanya noong 2006, pero noon lang taong 2011 nang unang bumili ng 20 porsiyentong kaparte ang telecom mogul. Ang Philippine STAR ay may ilang mga kapatid na babasahin: mga tabloid na Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa na nilalathala sa Pilipino; Freeman, na iniimpreta sa Cebu; Banat, isang tabloid na inilalathala sa Visaya, at ang magasine na Starweek, na nag umpisa bilang pang Linggong isyu ng broadsheet. May bersyon ito online sa www.philstar.com. Noong 2015, ang BusinessWorld ay nadagdag sa Star Group, at si Miguel din ang presidente nito.Philippine STAR has a partnership with Jollibee, one of the largest fast food companies in the Philippines, which gives out free copies of the newspaper with an order of a breakfast meal. Ang Philippine STAR ay may kasunduan sa Jollibee, isa sa pinakamalaking kumpanya ng fast food sa Pilipinas, na nagbibigay ng libreng kopya ng pahayagan kasama ng pagbili ng breakfast meal. The STAR president said it greatly increases the circulation of the paper, since 20,000 copies are distributed daily in Jollibee branches in Metro Manila alone. Sabi ng presidente ng STAR, iniangat nito ng malaki ang sirkulasyon ng pahayagan, mula sa 20,000 mga kopya na ipinamamahagi araw araw sa mga sangay ng Jollibee sa Metro Manila pa lang.
Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood
0.24
Klase ng pagmamay-ari
pribado
Sakop na lugar
pambansa
Uri/ klase ng nilalaman
bayad ang nilalaman
mga kompanya o grupo ng media
Hastings Holdings, Inc.
Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari
Ang Hastings Holdings ay may 51 porsiyentong pagmamay-ari ng Philstar Daily Incorporated.
Grupo / Indibidwal na may-ari
Indibidwal na may-ari
Grupo / Indibidwal na may-ari
Sara Soliven de Guzman
Si Sara Soliven de Guzman ay kolumnista ng pahayagan at anak din ng namayapang tagapaglathala ng STAR at beteranong mamamahayag na si Max Soliven.
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1986
Tagapagtatag
Betty Go-Belmonte, Max Soliven, Art Borjal, Louie Beltran
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Ang apat na dating mamamahayag, sina Betty Go-Belmonte, Max Soliven, Art Borjal, Louie Beltran, ay nagtatag din ng Philippine Daily Inquirer kasama sina Eugenia Apostol at Letty Jimenez-Magsanoc. Matapos namayapa si Go-Belmonte noong 1994, ang anak niyang si Miguel ang namahala sa mga kumpanya.
Punong Tagapagpaganap ng Kompanya
Miguel G. Belmonte
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Miguel Belmonte ay anak ng tagapagtatag ng Philippine Star na si Betty Go-Belmonte. Ang ama niya, si Feliciano Belmonte, Jr. ay dating House Speaker samantalang ang kapatid niyang si Joy Belmonte ay kasalukuyang Quezon City vice mayor.
Punong Patnugot
Ana Marie Pamintuan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Pamintuan ay nag umpisa bilang reporter sa Philippine Star. Siya ay nagtapos ng journalism sa University of the Philippines Diliman, kung saan siya ay pinagkalooban ng award bilang isa sa mga Outstanding Alumna for Journalism noong 2008.
Contact
13th Corner Railroad St., Port Area, Manila, Philippines 1016Telephone Number: +632-527-7901philstar.com
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (sa milyong dolyar)
44.92 Mil $ / 2.10 Bil P
Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)
5.66 Mil $ / 264.96 Mil P
Advertising (bilang % ng buong pondo)
35.40 Mil $ / 1.66 Bil P
Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market
Missing Data
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Audience share from Nielsen's Consumer and Media View (Jan.-June 2016)
Sources Media Profile
General Information Sheet of Philstar Daily, Inc. (available upon request at SEC) (2015), Securities and Exchange Commission
Financial Statement of Philstar Daily, Inc. (available upon request at SEC) (2015), Securities and Exchange Commission (SEC)
Personal interview with STAR President and CEO Miguel Belmonte
Personal interview with STAR President and CEO Miguel Belmonte