DZRV 846

Veritas 846 Radio Totoo ang istasyon na AM ng Katolika Romana na 24 na oras nagsasahimpapawid ng balita at kasalukuyang pangyayari, at mga programa tungkol sa relihiyon. Noong 1983, nang ang pangunahing media kabilang ang radyo ay halos hindi pansinin ang pataksil na pagpatay at libing ng dating senator Benigno "Ninoy" Aquino, ang Veritas ay naroon para mangalap at iulat ang balita. Pagkaraan ng tatlong taon, sa radyo Veritas nanawagan si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa mga tao na magtipon sa EDSA at suportahan ang noo'y Minister of Defense Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel Ramos na nagkudeta laban sa diktador Ferdinand E. Marcos. Winasak ng mga armadong lalaki ang transmitter Radyo Veritas sa Malolos noong EDSA revolution.Bukod sa radyo, ang Radyo Veritas ay maaaring masundan online sa pamamagitan ng sariling website. May plano itong palawigin ang naaabot nito sa telebisyon sa pamamagitan ng isang partnership sa TV Maria, ang himpilan ng Simbahang Katokika sa Pilipinas sa cable television. Ang TV Maria ay pag-aari ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), sa ilalim ng pamamahala ng Arsobispado ng Maynila.Ang Radyo Veritas ay pinatatakbo ng Radyo Veritas Global Broadcasting System, Incorporated, na pinamumunuan ni Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle. Ang punong kumpanya na may kontrol dito ay ang Arsobispado ng Maynila ng Katolika Romana, na may 74.61 porsiyentong pagmamay-ari. Kabilang sa iba pang may sosyo ay ang kilalang negosyante na si Antonio O. Cojuangco, na may 11.54 porsiyentong pagmamay-ari, at si Eric S. Canoy, presidente ng EDCanoy Prime Holdings Inc. Ang Radyo Veritas ay miyembro ng Catholic Media Network, ang network ng radyo na pag-aari at pinatatakbo ng iba't ibang nangungunang Katolikong korporasyon ng media na nasa brodkas. Sa kasalukuyan, ito ay may 55 istasyon ng radyo — 28 FM at 27 AM na istasyon ng radyo — na nakakalat sa higit 14 rehiyon at 42 probinsya.
Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood
4.3
Klase ng pagmamay-ari
pribado
Sakop na lugar
Mega Manila
Uri/ klase ng nilalaman
libre ang nilalaman
Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari
Radio Veritas Global Broadcasting System Incorporated ang kumpanya ng broadcasting na pag-aari halos lahat ng Romano Katolikang Arsobispado ng Maynila, na may 74.6 porsiyentong pagmamay-ari.
Grupo / Indibidwal na may-ari
Roman Catholic Archbishop of Manila/ Luis Antonio G. Cardinal Tagle, D.D./ Chairman
Ang Romano Katolikang Arsobispado ng Maynila ay nasa ilalim ng Katolikang Simbahan.
Manuel Gonzalez
Coming Soon.
Mr. Antonio O. Cojuangco
Coming Soon.
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1969
Tagapagtatag
Catholic Church
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
translation pending
Punong Tagapagpaganap ng Kompanya
Luis Antonio G. Cardinal Tagle, D.D.
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Cardinal Tagle ay Arsobispo ng Maynila mula noong 2011.
Ibang mga importanteng tao
Antonio O. Cojuangco
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Eric S. Canoy ang Presidente ng EdCanoy Prime Holdings Incorporated.
Contact
Veritas Tower 162 West Avenue, cor. Edsa, Quezon CityPhone Number: +632-925-7931 to 40Fax Number: +632-928-3068Mobile Number: +63-918-837-4827Website: www.veritas846.ph
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (sa milyong dolyar)
0.65 Mil $ / 30.65 Mil P
Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)
-0.11 Mil $ / -5.17 Mil P
Advertising (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market
Missing Data
Karagdagang impormasyon
Mga Pangunahing Balita
Meta Data
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Jan.-June 2016)