This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2023/06/03 at 02:07
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

DZRH 666

DZRH ang pangunahing istasyon ng radyo ng Manila Broadcasting Company (MBC) at pinakamatagal nang umeere na istasyon ng radyo na AM sa Pilipinas.Ang DZRH ay nagsimula bilang KZRH noong 1939. Ang call sign nito ay nag-uumpisa sa letrang K, tulad ng mga istasyon ng radyo sa US West Coast. Ang RH ay kumakatawan sa Radio Heacock, sunod kay H. E. Heacock, isang Amerikanong alahero at orihinal na may-ari ng H.E. Heacock Company, ang pinakamalaking magkakasangay na department store sa Pacific Rim.Nang mag umpisa ang KZRH sa pag brodkas, ang H. E. Heacock Company ay pag-aari na ni Samuel Gaches, isang Stanford graduate na dumating sa Maynila noong 1900. Noong 1939, ang KZRH ang ika-apat na komersyal na istasyon ng radyo sa Maynila.Sa ilalim ng pamamahala ni Bertrand Silen, ang KZRH ay nag ere ng musical variety show, comedy skit at maiksing pagbabalita. Ang KZRH ay naging daan para sa pagpapalaganap ng mga patalastas: Bukod sa 15­minutong blocktime na bayad ng mga advertiser, may mga programa ng musika na may anunsiyo at nahahaluan ng patalastas. < 75 years of public service, broadcasting, excellence>http://dzrhnews.com/75th­year­public­service­broadcasting/. Makaraan ang dalawang taon, noong 1941, ang KZRH ay nagbukas ng isang kapatid na istasyon sa Cebu City: ang DYRC.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, kinuha ng Japanese Imperial Army ang istasyon ng radyo at ginamit bilang ahensya ng propaganda. Sa KZKH ipinahayag ng mga Hapon ang pagsuko ng mga sundalong Amerikano at Pilipino. <75 years of DZRH 1939-2014>https://www.phlpost.gov.ph/stampin releases.php?id=36641942, inere nito ang "Voice of Freedom," na naghahayag ng pagbagsak ng Bataan. Ang brodkas na ito ay naging klasiko sa pamamahayag sa radyo, matapos ng pahayag ng radio anchor na si Norman Reyes, “Bumagsak ang Bataan… pero ang diwa na nagtaguyod dito, isang ilaw sa lahat ng mga taong nagmamahal sa kalayaan, ay hindi mawawala.” <http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-disseminationscd/communication/radio-as-a-way-of-life/>Sa pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, humingi ng tulong si Silen sa National Broadcasting Company sa New York para makakuha ng bagong mga transmitter. Samantala, ang pamilya Elizalde ay nahilingan na pondohan ang bagong operasyon. Tinawag nina Ambassador Joaquin Miguel Elizalde at kapatid niyang si Manuel ang network na Manila Broadcasting Company.Taong 1949, matapos makuha ng Pilipinas ang kalayaan mula sa US, ang KZRH ang naging unang istasyon ng radyo na nakapagbrodkas nang sabay sa dalawa o higit pang istasyon sa buong bansa, sa AM at short wave frequency. Nang taon ding iyon, ang letrang K ay pinalitan ng letrang D ayon sa polisiya ng Switzerland Radio Commission na siyang nagtatalaga ng mga letra sa mga istasyon ng radyo sa Pilipinas, na nagpasimula sa kilala na ngayong DZRH.Ang prangkisa ng MBC na magpatakbo at mag may-ari ng mga istasyon ng radyo at telebisyon sa bansa sa loob ng 25 taon ay ipinagkaloob ng Kongreso noong 1994. Taong 1996, sa ilalim ng inisyatibo na “Isang Bansa, Isang Pananaw” ng kasalukuyang chairman, Fred J. Elizalde, pinalawak ng DZRH ang sariling network para maabot ang halos 97 porsiyento ng buong bansa. Ang istasyon ay kasalukuyang umeere ng sabay sabay sa pamamagitan ng satellite at gamit ang 18 relay station sa mga estratehikong lugar sa buong bansa. <75 years of DZRH 1939-2014>https://www.phlpost.gov.ph/stamp-releases.php?id=3664.Ang mga programa ng istasyon ay maaaring makuha online sa www.dzrhnews.com. Taong 2008, pinasok na rin ng DZRH ang telebisyon para palawakin ang kanilang tagapakinig at manonood, at nag ere ng kanilang unang 24-oras na brodkas sa Dream (Channel 10) at Cablelink (Channel 9). Ang RHTV ay mapapanood sa buong bansa sa pamamagitan ng mga cable operator sa mga probinsya at sa Cignal TV (Channel 18) at Cable Link Metro Manila (Channel 3).Ang pamilya Elizalde ay kasalukuyang nagmamay-ari ng higit 60 porsiyento ng mga share ng MBC, sa pamamagitan ng Elizalde Holdings Corporation.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

15

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Mega Manila

Uri/ klase ng nilalaman

libre ang nilalaman

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Manila Broadcasting Company

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang DZRH 666 ay isang istasyon ng radyo na AM ng Manila Broadcasting Company (MBC). Ang punong kumpanya ng MBC, ang Elizalde Holdings Corporation, ay pag-aari ng pamilya Elizalde. Ang ibang mga namumuhunan sa MBC ay kinabibilangan ng Elizalde Land Incorporated, Cebu Broadcasting Company at Sunshine Inns-- lahat ng mga korporasyong ito ay pag-aari ng mga Elizalde.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Elizalde Holdings Corporation

Ang Elizalde Holdings Corporation ay may 20 mga sangay, na pinagsasama-sama at tinutukoy na FJE Group of Companies. Ang mga ito ay: Cebu Broadcasting Company, Philippine Broadcasting Corporation, Pacific Broadcasting Systems Incorporated, Philippine International Corporation, Sunshine Inns, Incorporated, Elizalde Land, Incorporated, San Dimas Realty, Brickman Realty, Northern Capiz-Agro Industrial Development Corporation, Ocean Hatcheries, Incorporated, M. Catigbac Salas, Incorporated, Flumet Corporation, Ride's R' Us, Funtinka Asia, Incorporated, Zillionfun Corporation, Prime Music Corporation, Manila Broadcasting Company, Star Parks Corporation, Thrills, Incorporated, and Rydes and Games Incorporated.

34.7%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1939, as KZRH

Tagapagtatag

Samuel Gaches

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Nagtapos sa Stanford at pumunta sa Maynila noong 1900, si Samuel Gaches ang bumili sa H. E. Heacock Company mula kay H.E. Heacock noong 1909. Ang kumpanya ay nagbebenta ng alahas, lalo na mga relo, butones para sa kuwelyo at punyos para sa mga lalaki, pati ibang pangkalahatang paninda.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Fred J. Elizalde

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Bukod sa pagiging Direktor/Chairman ng MBC mula noong 1985, si Fred J. Elizalde ay Chairman/Presidente rin ng Philippine International Corporation (Philcite), Star Parks Corporation (Star City), Elizalde Holdings Corporation (EHC) at Northern Capiz Agro-Industrial Development Corporation (Norcaic). Siya ay nagsilbi rin bilang Chairman/Presidente ng Asean Section, Asean-U.S. Business Council, Philippine Chamber of Commerce & Industry, Confederation of Asian Chambers of Commerce and Industry, atbp. Noong 2005, siya ay itinalagang miyembro ng Boracay Eminent Persons Group.

Punong Patnugot

Rita Salonga, Editor-in-Chief # Rudolph Steve Jularbal, Station Manager

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Ruperto S. Nicdao, Jr., President

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Nicdao ay nagsisilbing isa sa mga direktor ng MBC mula 1988. Siya ay nagsisilbi rin na Direktor ng Philcite, Star City, EHC at Cultural Center of the Philippines. Siya ay Chairman ng KBP at miyembro ng Financial Executives Institute of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry at Makati Business Club. Siya ay kasapi ng mga namumuhunan din sa JM Elizalde Holdings Corporation at TGE Holdings Corporation.

Contact

MBC Bldg., V. Sotto St., CCPComplex, Pasay City Telephone Number: +632-832-6149 to 50

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Manila Broadcasting Company is a publicly listed company and is required by law to disclose everything.
Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Jan.-June 2016)

Sources Media Profile

Manila Broadcasting Company's Annual Report (2015)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ