Solar Entertainment Corporation

Solar Entertainment Corporation

Solar Entertainment Corporation ang korporasyon ng mass media na pag-aari ng magkakapatid na Wilson, William, at Willy Y. Tieng at kanilang pamilya. INagpapatakbo ito ng 10 network ng telebisyon: ETC, 2nd Avenue, JackTV, CT, Solar Sports, Basketball TV, NBA Premium, Shop TV, The Game Channel, at My Movie Channel. Mayroon din itong negosyo na film distribution at nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Domestic Satellite Philippines Corporation (DOMSAT).Si William Y. Tieng ang chairman of the board ng korporasyon samantalang si Wilson Y. Tieng ang presidente at chief executive officer at si Willy Y. Tieng ang bise presidente.Ayon sa Solar Entertainment Corporation, sila ang pinakamalaking content provider at channel operator sa Southeast Asia. Sila rin daw ang unang nagkaroon ng serbisyong video-on-demand (VOD) sa bansa.Ang magkakapatid na Tieng ay dating mayroong 34-porsiyentong kaparte sa Radio Philippines Network (RPN) na nabili nila mula sa gobyerno ng Pilipinas bilang bahagi ng pagsasapribado ng RPN at Intercontinental Broadcasting Corporation noong 2011. Ibinenta nila ang mga share na ito kay Antonio Cabangon-Chua noong Agosto 2014.Ang magkakapatid na Tieng ay nasa industriya rin ng pelikula, pagkain bilang distributor ng gamit pang kusina, security sourcing, at real estate. Nasa likod sila ng mga pangunahing development project tulad ng Manila Bay reclamation at proyekto para muling idebelop ang Sangley Point sa Cavite, isang dating naval station ng Estados Unidos.

Pangunahing katotohanan

Punong kompanya

Solar Films, Incorporated

Uri/klase ng negosyo

Pribado

Legal Form

Korporasyon

Mga sektor ng negosyo

broadkas at mass media, mga pelikula at telebisyon, entertainment

Pagmamay-ari

Solar Films, Incorporated

Ang Solar Films ay pag-aari ng magkakapatid na Tieng na nag umpisa ng kumpanya noong 1988. Nag umpisa ito sa pagdadala sa Pilipinas ng mga pelikulang gawa sa labas ng bansa at mula noon ay nagtrabaho kasama ng mga Filipino na gumagawa ng pelikula para lumikha ng sariling mga pelikula.

37.5%
Other Media Outlets

Iba pang mga istasyon ng telebisyon

ETC, Solar Sports, Basketball TV, Jack TV, 2nd Avenue, CT, and NBA Premium

Facts

Negosyo sa media

Coming Soon

Negosyo

Coming Soon

Coming Soon

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1993

Tagapagtatag

William Tieng, Wilson Tieng, and Willy Tieng

Impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Ang magkakapatid na Wilson, William, at Willy Tieng ay nasa industriya rin ng pelikula, pagkain bilang distributor ng gamit pang kusina, security sourcing, at real estate. Sila ang nasa likod ng mga pangunahing development project tulad ng Manila Bay reclamation at ang proyekto na muling idebelop ang dating naval station ng Estados Unidos.

Contact

3/F Worldwide Corporate Center, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City, 1552 Telephone Number: (632) 461 0888, (632) 695 3532

Tax/ ID Number

002-927-938

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)

29.28 Mil $ / 1.37 Bil P

Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)

2.66 Mil $ / 124.43 Mil P

Advertising (in % of total funding)

Missing Data

Namamahala

Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap

William Y. Tieng

Si William Y. Tieng Chairman of the Board ng Solar Entertainment Corporation; naging Managing Director ng AbaCore Capital Holdings Incorporated mula noong Agosto 2, 2010, Chairman ng Board ng Federated Distributors Incorporated, Solar Entertainment Corporation, Solar Resources Incorporated at KLG International Incorporated, Vice Chairman ng Media Committee ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, direktor ng AbaCore Capital Holdings Incorporated mula noong Hulyo 2008.

Karagdagang impormasyon

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.86.
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement
Founding year based on date of incorporation as reflected in the Securities and Exchange Commission documents.

Pinanggagalingan ng impormasyon o datos

Financial Statement of Solar Entertainment Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ