Iglesia ni Cristo

Iglesia ni Cristo

Ang Iglesia ni Cristo (INC) ay isang Kristiyanong relihiyon na itinatag ng isang Filipino na si Felix Y. Manalo ng Manila at inirehistro sa gobyerno ng Pilipinas bilang simbahan noong Hulyo 27, 1914. Si Eduardo V. Manalo, apo ng tagapagtatag ng simbahan, ang kasalukuyang executive minister nito. Sinasabi ng Simbahan na sila ay nasa higit 100 bansa sa buong daigdig. Sa bansa, mayroon silang 2,251,941 miyembro, ayon sa pinakahuling datos mula sa National Statistics Office.Ang INC ay gumagamit ng impluwensiya sa pulitika sa pamamagitan ng bloc voting o pagboto na parang isang pangkat sa panahon ng pambansa at lokal na eleksyon. Ilang araw bago mag eleksyon, ang mga miyembro ng INC ay binibigyan ng sample ballot na nakalagay ang mga pangalan ng kandidato na ineendorso ng pamunuan ng Simbahan. Ito ay maaaring mangahulugan ng 1.5 hanggang 1.8 milyong boto sa isang pambansang eleksyon kaya't ang simbahan ay napakamakapangyarihan at maimpluwensya. Pero hindi lahat ng mga kandidatong inendorso ng INC sa pagka-pangulo ay nanalo. Noong 1986 snap presidential election, tinalo ni Corazon Aquino ang nakaupong Pangulong Ferdinand Marcos, na sinuportahan ng INC. Noong 1992, si Fidel V. Ramos, na nanalo sa pagka-pangulo, ay hindi inendorso ng INC na sumuporta sa crony ni Marcos na si Eduardo M. Cojuangco Jr..Apat na kandidato sa pagka-pangulo ang inendorso ng INC na kinalaunan ay nanalo. Sila ay sina: Joseph Estrada sa 1998 halalan, Gloria Macapagal-Arroyo sa 2004 halalan, Benigno Aquino III sa 2010 halalan, at ang nakaupong Pangulong Rodrigo Duterte. Pinaniniwalaan ng marami na ang pamunuan ng simbahan ay nagrerekomenda sa Pangulo ng mga miyembro ng INC para sa mga posisyon sa gobyerno, lalung-lalo na sa hudikatura, Commission on Elections commissioner, at Bureau of Customs. Noong 2015, isang kontrobersya ang sumambulat sa Iglesia ni Cristo nang malantad na ang angkan ng mga Manalo ay hindi nagkakasundo sa pangangasiwa ng simbahan sa pondo nito na humantong sa pagpapatiwalag ng simbahan sa ina ni Eduardo at kanyang mga kapatid na sina Angelo, Marco Eraño, at Lolita. Ang kontrobersya ay nag ugat umano sa pagpapagawa ng Simbahan ng P7.8-bilyong ($200 milyong) Philippine Arena, isang saradong arena na may upuan para sa 50,000 katao na ipinatayo sa 50-ektaryang Ciudad de Victoria na pag-aari ng INC, may 24.5 kilometro hilagang-silangan ng Maynila.Bukod sa komersyal na gusaling ito, ang INC ay mayroon din mga ospital, ang New Era General Hospital at Eraño Manalo Medical Center Incorporated, at eskwelahan, ang New Era University.

Pangunahing katotohanan

Uri/klase ng negosyo

Pribado

Legal Form

Korporasyon

Mga sektor ng negosyo

Mass media

Mga kompanya ng media
Other Media Outlets

Iba pang mga istasyon ng telebisyon

INCTV

Iba pang mga Istasyon ng Radyo

DZEM INC Radio (954 kHz Metro Manila) - AM

Iba pang mga Ahensiya na Online

<http://iglesianicristo.net/inctv/> http://iglesianicristo.net/inctv/

Facts

Negosyo

Coming Soon

Real estate

Maligaya Development Corporation

Hospital

New Era General Hospital

Education

New Era University

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1914

Tagapagtatag

Eduardo Manalo, Iglesia ni Cristo’s current executive minister and grandson of the church’s founder Felix Manalo.

Impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Eduardo V. Manalo ang kasalukuyang executive minister ng Iglesia ni Cristo at apo ng tagapagtatag ng Iglesia na si Felix Manalo.

Mga Empleyado

Missing Data

Contact

For Iglesias ni Cristo: Templo Central, No. 1 Central Avenue, New Era Quezon City 1107 Philippines Telephone Number: +632-981-4311 local 4315, 4316For Eagle Broadcasting Corporation and Christian Era Broadcasting Service International, Incorporated: Eagle Broadcasting Corporation Bldg., No. 25 Central Ave., Culiat, Quezon City, 1128 Philippines, Telephone Number: +632-784-7450

Tax/ ID Number

003-977-069

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (in % of total funding)

Missing Data

Namamahala

Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap

Board of Directors ng Christian Era Broadcasting Service International Incorporated:

hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap at interes ng hindi kabilang sa lupon ng tagapagpaganap

Missing Data

Supervisory Board + Interests Supervisory Board

Missing Data

Ibang mga maimpluwensyang tao at interes ng mga maimpluwensyang tao

Cristina “Tenny” Manalo

Si Cristina “Tenny” Manalo ang asawa ni Eraño “Erdy” Manalo, ang ikalawang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo, matapos pumanaw ang kanyang amang si Felix Y. Manalo, ang tagapagtatag ng Iglesia; siya ang ina ni Eduardo V. Manalo

Karagdagang impormasyon

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.86
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016)

Pinanggagalingan ng impormasyon o datos

Financial Statement of Christian Era Broadcasting Service International, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ