The Henares Family

The Henares Family

Si Alfredo “Atom” L. Henares ay isang negosyanteng Filipino na may-ari ng Progressive Broadcasting Corporation, ang kumpanya ng media na nagmamay-ari ng himpilang UNTV News and Rescue. Siya rin ang chairman of the board at presidente nito.Si Henares ay may masters degree sa Business Administration mula sa Harvard Graduate School at nagtapos ng Business Management sa Ateneo de Manila University ng mga Heswita.Si Henares ay anak ng kilalang personalidad sa media na si Hilarion “Larry” Henares. Siya ay dating kasal kay Victoria “Vicki” G. Belo, ang presidente at medical director ng Belo Medical Group, isang multimilyong negosyo ng mga produkto at serbisyo para sa pagpapaganda. Siya ay isang personalidad din sa telebisyon. Si Henares ay may iba't ibang negosyo mula real estate, electric powerplant, at palm oil manufacturing. Siya ay chairman of the board ng Salcon Power Corporation, isang kumpanya na pag-aari ng mga namumuhunan na nagbebenta at bumili ng share sa stock exchange at nagbebenta ng kuryente sa mga probinsya tulad ng Naga at Cebu.

mga kompanya o grupo ng media
Mga kompanya ng media
Facts

Negosyo

Power

Salcon Power Power Corp.

Real estate

SPC Properties & Development Corp.

Water

Bohol Water Utilities Inc.

Manufacturing

Vegoil Phils, Inc.

Others

KV Holdings, Inc. (Philippines)

pamilya at mga kaibigan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Alfredo L. Henares

Si Alfredo L. Henares ay Chairman at Presidente ng Progressive Broadcasting Corporation, treasurero at direktor ng Salcon Power Power Corp., treasurero at direktor ng Salcon Philippines Incorporated, treasurero at direktor ng Salcon International Incorporated, Chairman ng SPC Island Power Corp., treasurero at direktor ng SPC Properties & Development Corp., treasurero at direktor ng SPEC Properties Incorporated, treasurero at direktor ng Western Panay Hydropower Corp., treasurero at direktor ng SPC Electric Co. Incorporated, treasurer at direktor ng SPC Light Co. Incorporated, Chairman ng Bohol Light Co. Incorporated, Chairman ng Bohol Water Utilities Incorporated, direktor-finance ng Vegoil Phils Incorporated, Chief Financial Officer at Executive Vice President ng Kepco SPC Power Corp., Chairman ng SPC Malaya Power Corp., at Chairman ng KV Holdings Incorporated (Philippines). Siya ay nasa Board of Directors ng SPC Power Corp., Salcon Philippines Incorporated, Salcon International Incorporated, SPC Properties & Development Corp., SPEC Properties Incorporated, Western Panay Hydropower Corp., SPC Electric Co. Incorporated, SPC Light Co. Incorporated, at Isarog Pulp & Paper Co. Incorporated.

Karagdagang impormasyon

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

Pinagkukunan/ Pinanggagalingan

Financial Statement of Progressive Broadcasting Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ