The Elizalde Family

Ang imperyo ng mga Elizalde sa Pilipinas ay nag umpisa kay Joaquin Marcelino Elizalde e Irrisarri ng Elizondo, Navarre sa Espanya. Taong 1846, sa gulang na 13, dumayo at nanirahan siya sa Pilipinas sa kahilingan ng kanyang tiyuhin. Pagkaraan ng tatlong dekada, siya ay naging isa sa mga negosyante sa Maynila. Ang kanyang anak, si Jose Joaquin, ang sumunod na humawak ng kanyang mga negosyo at nagpakasal kay Carmen Diaz Monreau. Anim ang kanilang naging anak, kabilang sina Joaquin Miguel at Manolo Elizalde.Bandang 1933, ang mga Elizalde ay nagmamay-ari na ng mga asukarera, mga kumpanya ng shipping, insurance at mining, bukod sa iba pa. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, nakita ni Manuel “Manolo” Elizalde ang potensyal para sa pagpapalawak ng negosyo ng pamilya sa media. Siya at ang kapatid na si Joaquin Miguel Elizalde, ang noon's Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Pilipinas sa Estados Unidos, ang nagtulong na pondohan ang operasyon ng istasyon ng radyo KZRH—kinalaunan pinalitan ng pangalan na DZRH—na kinuha ng mga pwersa ng Hapon noong giyera. Pinangalanan nila ang na Manila Broadcasting Company (MBC).Ang mga Elizalde ang nakakuha rin ng Philippine Broadcasting Corporation ng pamilya Soriano.Tapos ng giyera, si Manolo ang naging presidente ng Elizalde and Company. Nang panahong iyon, siya ay may-ari na ng mga pabrika ng bakal, abaka, pintura at alak, kasama ang imperio ng radyo at telebisyon, at hacienda at asukarera sa Negros Occidental.Taong 1962, ang kanyang anak, si Fred J. Elizalde, noo'y katatapos lang mag-aral sa Harvard, ay sumapi sa kumpanya at pinalawak pa ang negosyo nila sa media at dinagdagan ng mga pahayagan. Kanyang itinayo ang mga pahayagang Evening News; Daily News International, isang diyaryo para sa mga dayuhang nakatira sa bansa; Philippine Sun, isang pahayagan na nilalathala sa Ingles at Tagalog; Bulaklak, isang magazine na Tagalog; at Manila Guide Fortnightly, isang magazine tungkol sa turismo.Nang ideklara ang martial law noong 1972 at ang 292 istasyon ng mga radyo sa buong bansa ay isinara, ang DZRH ay nakaligtas at nagpatuloy umere ngunit sa ilalim ng mahigpit na sensura ng pamahalaan. Ang lahat ng pahayagan ng mga Elizalde ay ipinasara at tumutok na lamang si Fred sa pamamahala ng mga asukarera ng pamilya.Taong 1985, si Fred ay itinalagang direktor/chairman ng MBC. Ang MBC ay kasalukuyang may isang istasyon na AM at tatlong istasyon na FM sa Metro Manila, at 10 Aksyon Radyo, 25 Love Radio, 10 Yes FM, pitong Easy Rock, 18 DZRH relay stations, at 151 istasyon ng Radyo Natin sa mga probinsya.Bukod sa MBC, si Elizalde ay chairman/presidente ng Philippine International Corporation (Philcite), Star Parks Corporation (Star City), Elizalde Holdings Corporation (EHC) at Northern Capiz Agro-Industrial Development Corporation (Norcaic). Ang EHC ay may 20 sangay na sama-samang tinutukoy na FJE Group of Companies.Si Elizalde ay may-ari rin ng D’Mall sa Boracay island. Taong 2005, siya ay itinalagang miyembro ng Boracay Eminent Persons Group.Siya ay dating chairman/presidente ng Asean Section, Asean-U.S. Business Council, Philippine Chamber of Commerce & Industry, Confederation of Asian Chambers of Commerce and Industry.Ang asawa ni Elizalde ay ang unang prima ballerina ng Pilipinas, si Lisa Macuja-Elizalde. Si Lisa ang artistic director ng Ballet Manila at directress ng The Ballet Manila School. Siya ang pangunahing stockholder ng Ballet Manila, Inc., na may 51 porsiyentong pagmamay-ari samantalang ang kanyang asawa ay may 10 porsiyento.Ang ama ni Lisa, si Cesar Macuja, ay nagtrabaho para sa Elizalde bilang presidente ng Star Parks Corporation (SPC), isang sangay ng EHC at may-ari ng Star City, ang amusement park sa looban ng Cultural Center of the Philippines.Ang kapatid ni Lisa na si Julio Manuel ay sumapi rin sa MBC noong 1999 at kasalukuyang ingat-yaman ng MBC at EHC, at miyembro ng board ng SPC.Si Juan Manuel, ang anak ni Fred sa unang namayapang asawa na si Joan Gatlin, ay bahagi na ng MBC mula pa noong 1994, at kasalukuyang Vice President for Operations ng kumpanya.Ang kapatid ni Juan Manuel na si Thalassa ay isa rin sa mga director sa MBC.
Negosyo
Philippine International Corporation
Ocean Hatcheries, Incorporated
M. Catigbac Salas, Incorporated
Flument Corporation
Prime Music Corporation
Hotels
Sunshine Inns, Incorporated
Realty
Elizalde Land, Incorporated
San Dimas Realty
Brickman Realty
Northern Capiz-Agro Industrial Development Corporation
Amusement
Ride's R' Us, Incorporated
Funtinka Asia, Incorporated
Zillionfun Corporation
Star Parks Corporation
Thrills, Incorporated
Rydes and Games, Incorporated
pamilya at mga kaibigan
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Fred J. Elizalde ay CEO ng Manila Broadcasting Company. Siya ay Chairman din ng Elizalde Land Incorporated, Star Parks Corporation (Star City), Philippine International Corporation, Elizalde Holdings Corporation, at Sunshine Inns Incorporated. Siya ay nagsisilbing Presidente rin ng Gatlin Elizalde Corporation.
Si Ruperto S. Nicdao, Jr. ay Presidente ng Manila Broadcasting Company. Siya ay miyembro rin ng mga Executive Board ngof Cebu Broadcasting Company, Elizalde Land Incorporated, Sunshine Inns Incorporated, Philippine International Corporation, Star Parks Corporation, at Elizalde Holdings Corporation. Siya ay kasapi rin ng mga namumuhunan sa JM Elizalde Holdings Corporation at TGE Holdings Corporation.
Si Eduardo G. Cordova ay ang SVP-CFO ng Manila Broadcasting Company. Siya ay Chairman din ng Philippine Broadcasting Company, at miyembro ng Executive Board ng Elizalde Holdings Corporation, Cebu Broadcasting Company, Pacific Broadcasting System, Elizalde Land Incorporated, Sunshine Inns Incorporated, Star Parks Corporation, at Philippine International Corporation. Siya ay nagsisilbi rin bilang ingat-yaman ng Gatlin Elizalde Corporation at TGE Holdings Corporation, at kasapi ng mga namumuhunan sa JM ELizalde Holdings Corporation.