This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-rsf.org/en/ retrieved on 2019/10/23 at 15:56
Reporters Without Borders (RSF) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Reporters without borders

Eduardo V. Manalo

Eduardo V. Manalo

Si Eduardo V. Manalo ay ang ikatlong executive minister ng Iglesia ni Cristo, isang Kristiyanong relihiyon na itinatag ng isang Filipino, si Felix Y. Manalo, sa Maynila at inirehistro sa gobyerno bilang Simbahan noong Hulyo 27, 1914.Siya ay anak nina Eraño “Erdy” Manalo at Cristina “Tenny” Manalo. Si Eraño ang ikalawang executive minister ng Iglesia ni Cristo matapos mamatay ang tagapagtatag ng Iglesia, ang ama ni Eraño na si Felix Y. Manalo. Noong 2009, si Eraño ay namayapa matapos magsilbing executive minister sa loob ng 46 taon; si Eduardo ang humalinhin sa kanya.Noong 2015, isang kontrobersya ang sumambulat sa Iglesia ni Cristo nang malantad na ang angkan ng mga Manalo ay hindi nagkakasundo sa pangangasiwa ng simbahan sa pondo nito na humantong sa pagpapatiwalag ng simbahan sa ina ni Eduardo at kanyang mga kapatid na sina Angelo, Marco Eraño, at Lolita. Sinasabi ng INC na sila ay nasa higit 100 bansa sa buong daigdig. Sa bansa, mayroon silang 2,251,941 miyembro, ayon sa pinakahuling datos mula sa National Statistics Office.Ang INC ay gumagamit ng impluwensiya sa pulitika sa pamamagitan ng bloc voting o pagboto na parang isang pangkat sa panahon ng pambansa at lokal na eleksyon. Ilang araw bago mag eleksyon, ang mga miyembro ng INC ay binibigyan ng sample ballot na nakalagay ang mga pangalan ng kandidato na ineendorso ng pamunuan ng Simbahan. Ito ay maaaring mangahulugan ng 1.5 hanggang 1.8 milyong boto sa isang pambansang eleksyon kaya't ang simbahan ay napakamakapangyarihan at maimpluwensya.Pero hindi lahat ng mga kandidatong inendorso ng INC sa pagka-pangulo ay nanalo. Noong 1986 snap presidential election, tinalo ni Corazon Aquino ang nakaupong Pangulong Ferdinand Marcos, na sinuportahan ng INC. Noong 1992, si Fidel V. Ramos, na nanalo sa pagka-pangulo, ay hindi inendorso ng INC na sumuporta sa crony ni Marcos na si Eduardo M. Cojuangco Jr.Apat na kandidato sa pagka-pangulo ang inendorso ng INC na kinalaunan ay nanalo. Sila ay sina: Joseph Estrada sa 1998 halalan, Gloria Macapagal-Arroyo sa 2004 halalan, Benigno Aquino III sa 2010 halalan, at ang nakaupong Pangulong Rodrigo Duterte.Pinaniniwalaan ng marami na ang pamunuan ng simbahan ay nagrerekomenda sa Pangulo ng mga miyembro ng INC para sa mga posisyon sa gobyerno, lalung-lalo na sa hudikatura, Commission on Elections commissioner, at Bureau of Customs.

mga kompanya o grupo ng media
Mga kompanya ng media
Facts

Negosyo

Real estate

Philippine Arena

Hospital

New Era General Hospital

Education

New Era University

pamilya at mga kaibigan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ka-pamilya at kaibigan; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng ka-pamilya at kaibigan sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Cristina “Tenny” Manalo

Si Cristina “Tenny” Manalo ang asawa ni Eraño “Erdy” Manalo, ang ikalawang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo, matapos pumanaw ang kanyang amang si Felix Y. Manalo, ang tagapagtatag ng Iglesia; siya ang ina ni Eduardo V. Manalo

Karagdagang impormasyon

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

Pinagkukunan/ Pinanggagalingan

Financial Statement of Christian Era Broadcasting Service International, Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ