This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-rsf.org/en/ retrieved on 2019/10/23 at 14:26
Reporters Without Borders (RSF) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Reporters without borders

UNTV News and Rescue

Ang UNTV News and Rescue ay isang network ng telebisyon na umeere sa ultra high frequency (UHF) na may 24-oras na programming. Ang negosyanteng si Alfredo “Atom” L. Henares ang nagmamay-ari nito sa pamamagitan ng kanyang kumpanya na Progressive Broadcasting Corporation (PBC).Ang istasyon ay may 0.2 porsiyentong audience share ayon sa National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen mula Enero hanggang Hunyo 2016.Ang himpilan ay nage-ere ng iba't ibang palabas, mula balita at kasalukuyang pangyayari hanggang tungkol sa relihiyon na mga programa, una sa lahat ang pangangaral tungkol sa ebanghelyo sa telebisyon ni Eliseo Fernando “Bro. Eli” Soriano. Si Soriano ang pinuno ng Members Church of God International, na kilala sa bansa bilang “Ang Dating Daan”.Ang himpilan ay ilang ulit nagpalit ng tatak noong nakaraan, ngunit ang pinakahuling anyo nito ay bilang isang news-and-rescue channel na nag umpisa noong Hulyo 18, 2016.Ang himpilan ay pinatatakbo at pinananatili ng Breakthrough and Milestone Productions International na pinamumunuan ng presidente at chief executive officer nito, ang beteranong brodkaster na si Daniel Razon.Ang UNTV ay nag umpisa bilang katuwang sa telebisyon ng minsang sumikat na DWNU 107.5 FM ni Henares, ang una at tanging istasyon ng radyo na eksklusibong nage-ere ng musikang rock. Kaya noong una ang UNTV ay nagpapalabas ng video ng musikang rock.Pero, noong 2004, ito ay naging tahanan ng Ang Dating Daan. Nagsimula noong 1980, Ang Dating Daan ay nagpapakilala bilang “pinakamatagal na programa tungkol sa relihiyon sa Pilipinas.”Ang UNTV ay may istasyon ng AM, ang UNTV Radio La Verdad 1350. Mayroon din itong istasyon ng FM, ang 107.5 Wish FM na pinalitan ng tatak mula DWNU 107.5 FM at 107.5 Win Radio.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

0.2

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

antas ng transparency, kung saan ang datos tungkol sa pagmamay-ari ng kompanya ay madali makuha kung hihilingin sa kompanya.

kapag hiniling, ang datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa kompanya o istasyon

3 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Progressive Broadcasting Corporation

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang UNTV News and Rescue ay pag-aari ng negosyanteng si Alfredo “Atom” Henares sa pamamagitan ng kanyang kumpanya na Progressive Broadcasting Corporation.

Indibidwal na may-ari

Grupo / Indibidwal na may-ari

Joselito N. Pedero

Si Joselito N. Pedero ay vice chair ng Progressive Broadcasting Corporation. Siya ay kasapi din ng mga namumuhunan sa korporasyon.

15.3%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

2001

Tagapagtatag

Alfredo “Atom” L. Henares

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Alfredo L. Henares, ang nagmamay-ari ng 70 porsiyentong equity share sa Progressive Broadcasting Corporation, ay may iba't ibang mga interes sa negosyo mula sa real estate, electric powerplant, at palm oil manufacturing.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Daniel Razon

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Ang beteranong broadcaster na si Daniel Razon ang president at chief executive officer ng Breakthrough and Milestone Productions International, ang kumpanya na nagpapatakbo at nagpopondo sa UNTV News and Rescue channel.

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Alfredo L. Henares

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Alfredo L. Henares ay Chairman at Presidente ng Progressive Broadcasting Corporation, treasurero at direktor ng Salcon Power Power Corporation, treasurero at direktor ng Salcon Philippines Incorporated, treasurero at direktor ng Salcon International Incorporated, Chairman ng SPC Island Power Corporation, treasurero at direktor ng SPC Properties & Development Corporation, treasurero at direktor ng SPEC Properties Incorporated, treasurero at direktor ng Western Panay Hydropower Corporation, treasurero at direktor ng SPC Electric Company Incorporated, treasurer at direktor ng SPC Light Company Incorporated, Chairman ng Bohol Light Company Incorporated, Chairman ng Bohol Water Utilities Incorporated, direktor-finance ng Vegoil Phils Incorporated, Chief Financial Officer at Executive Vice President ng Kepco SPC Power Corporation, Chairman ng SPC Malaya Power Corporation, at Chairman ng KV Holdings Incorporated (Philippines). Siya ay nasa Board of Directors ng SPC Power Corporation, Salcon Philippines Incorporated, Salcon International Incorporated, SPC Properties & Development Corporation, SPEC Properties Incorporated, Western Panay Hydropower Corporation, SPC Electric Company Incorporated, SPC Light Company Incorporated, at Isarog Pulp & Paper Company Incorporated.

Contact

UNTV-Breakthrough and Milestones Productions International No. 907 BMPI Bldg., PhilAm EDSA, Quezon City, 1104 PhilippinesTelephone Number: +632-442-6244www.untvweb.com

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).

Sources Media Profile

Financial Statement of Progressive Broadcasting Corporation (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ