Pilipino Star Ngayon

Ang pang-araw-araw na Tagalog tabloid na Pilipino Star Ngayon ay dating kilala bilang Ang Pilipino Ngayon. Itinatag ito noong Marso 17, 1986, ilang linggo matapos ang EDSA Revolution. Pinangunahan nito ang katambal nitong broadsheet, ang Philippine STAR, na naglalayong magbigay ng balita sa masa sa mas abot-kayang halagang P10, kalahati ng presyo ng broadsheet.Itinatag ng ni Betty-Go Belmonte, ang ilaw ng tahanan ng pamilya Belmonte, ang Pilipino Star Ngayon, Incorporated ay pag-aari na ngayon ng Hastings Holdings, isang kumpanya sa ilalim ni Manuel V. Pangilinan, na may 80 porsiyentong kaparte. Ang natitirang 20 porsiyento ay pag-aari pa rin ng pamilya Belmonte: dating Speaker Feliciano, Jr., president at CEO ng STAR Group na si Miguel, pinuno ng editorial board ng Philippine Star na si Isaac, Philstar Global CEO Kevin at Quezon City Vice Mayor Joy ay may tig-4 porsiyento na kaparte, ayon sa 2015 General Information Sheet ng kumpanya na ipinasa sa Securities and Exchange Commission.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

0.65

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

bayad ang nilalaman

antas ng transparency, kung saan ang datos tungkol sa pagmamay-ari ng kompanya ay madali makuha kung hihilingin sa kompanya.

kapag hiniling, ang datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa kompanya o istasyon

3 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Hastings Holdings, Inc.

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang 80-porsiyento ng Pilipino Star Ngayon ay pag-aari ng Hastings Holdings ni Manuel V. Pangilinan's. Ang pamilya Belmonte ang may hawak ng 20-porsiyentong natitirang mga parte, at si Miguel Belmonte ang tumatayong presidente ng kumpanya.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Indibidwal na may-ari

mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1986

Tagapagtatag

Betty Go-Belmonte, Tess Ramiro, Fr. Jose C. Blanco

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Dating mamamahayag, si Betty Go-Belmote ay tagapagtatag din ng kapareha ng Pilipino Star Ngayon na broadsheet, ang The Ang pareng Heswita na si Fr. Jose C. Blanco, S.J. ay naging kolumnista rin ng pahayagan hanggang sumakabilang buhay noong 2006 samantalang si Dr. Tess Ramiro ay naging direktor ng isang medical NGO.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Miguel G. Belmonte

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Miguel Belmonte ay anak ng tagapagtatag ng Philippine Star na si Betty Go-Belmonte. Ang ama niya, si Feliciano Belmonte, Jr. ay dating House Speaker samantalang ang kapatid niyang si Joy Belmonte ay kasalukuyang Quezon City vice mayor.

Punong Patnugot

Alfonso Pedroche

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Pedroche ay minsang naging Malacanang beat reporter bago siya umangat sa posisyon sa editorial ng Pilipino Star Ngayon. Siya ay nagsilbing bise presidente ng asosasyon ng mga mamamahayag, ang National Press Club, at ngayon ay presidente-chairperson ng Philippine Press Institute.

Contact

13th Corner Railroad St., Port Area, Manila, Philippines 1016Telephone Number: +632-527-2389, +632-527-7901Fax Number: +632-527-2403, +632-528-0281www.philstar.com/ngayon

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

6.25 Mil $ / 292.74 Mil P

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

1.51 Mil $ / 70.90 Mil P

Advertising (bilang % ng buong pondo)

1.21 Mil $ / 56.86 Mil P

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Audience share from Nielsen's Consumer and Media View (Jan.-June 2016)

Sources Media Profile

General Information Sheet of Pilipino Star Ngayon, Inc. (available upon request at SEC) (2015), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ