This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-rsf.org/en/ retrieved on 2019/10/23 at 14:28
Reporters Without Borders (RSF) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Reporters without borders

INC TV

Ang INC TV ay himpilan na libre na nagsasahimpapawid sa ultra high frequency at nagpapalabas ng mga pang relihiyon na programa ng Iglesia ni Cristo (INC), isang Kristiyanong relihiyon na itinatag ng isang Filipino, si Felix Y. Manalo, sa Maynila at inirehistro sa gobyerno bilang Simbahan noong Hulyo 27, 1914. Si Eduardo V. Manalo, apo ng tagapagtatag ng simbahan na si Felix Y. Manalo, ang kasalukuyang executive minister ng INC at ang tagapagtatag ng himpilan.Sinasabi ng simbahan na sila ay nasa higit 100 bansa sa buong daigdig. Sa bansa, mayroon silang 2,251,941 miyembro, ayon sa pinakahuling datos mula sa National Statistics Office.Ang INC ay gumagamit ng impluwensiya sa pulitika sa pamamagitan ng bloc voting o pagboto na parang isang pangkat sa panahon ng pambansa at lokal na eleksyon. Ilang araw bago mag eleksyon, ang mga miyembro ng INC ay binibigyan ng sample ballot na nakalagay ang mga pangalan ng kandidato na ineendorso ng pamunuan ng Simbahan. Ito ay maaaring mangahulugan ng 1.5 hanggang 1.8 milyong boto sa isang pambansang eleksyon kaya't ang simbahan ay napakamakapangyarihan at maimpluwensya. Pinaniniwalaan ng marami na ang pamunuan ng simbahan ay nagrerekomenda sa Pangulo ng mga miyembro ng INC para sa mga posisyon sa gobyerno, lalung-lalo na sa hudikatura, Commission on Elections commissioner, at Bureau of Customs. Ang INC ay bumoto bilang isang pangkat para sa huling apat na pangulo ng Pilipinas: sina Joseph Estrada sa 1998 halalan, Gloria Macapagal-Arroyo sa 2004 halalan, Benigno Aquino III sa 2010 halalan, at ang nakaupong Pangulong Rodrigo Duterte.Pero hindi lahat ng mga kandidatong inendorso ng INC sa pagka-pangulo ay nanalo. Noong 1986 snap presidential election, tinalo ni Corazon Aquino ang nakaupong Pangulong Ferdinand Marcos, na sinuportahan ng INC. Noong 1992, si Fidel V. Ramos, na nanalo sa pagka-pangulo, ay hindi inendorso ng INC na sumuporta sa crony ni Marcos na si Eduardo M. Cojuangco Jr..Ang himpilan ay nasa Channel 49 na libreng napapanood sa telebisyon at maaaring ma-livestream sa buong mundo sa pamamagitan ng incmedia.org/live-stream/.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

Missing Data

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Iglesia ni Cristo

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang INC TV ay pag-aari ng Kristianong relihiyon na Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng Christian Era Broadcasting Service International Incorporated, isang korporasyon na nonstock na ang chairman ay si Eduardo Manalo, ang kasalukuyang executive minister ng Iglesia ni Cristo at apo ng tagapagtatag ng Iglesia na si Felix Manalo.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Christian Era Broadcasting Service

Ang Christian Era Broadcasting Service International, Incorporated ay isang korporasyon na nonstock na ang chairman ay si Eduardo Manalo, ang kasalukuyang executive minister ng Iglesia ni Cristo at apo ng nagtatag ng Iglesia na si Felix Manalo. Ang Christian Era Broadcasting Service International, Incorporated ay kapatid na istasyon ng Eagle Broadcasting Corporation, isang komersyal na media network sa Pilipinas.

?
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

2012

Tagapagtatag

Eduardo V. Manalo, Iglesia ni Cristo’s current executive minister and grandson of the church’s founder Felix Manalo.

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Eduardo V. Manalo ang kasalukuyang executive minister ng Iglesia ni Cristo at apo ng tagapagtatag ng Iglesia na si Felix Manalo.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Angelo Eraño V. Manalo

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Angelo Eraño Manalo ang pinakabatang anak ni Eduardo Manalo at presidente at chief executive officer ng Christian Era Broadcasting Service International Incorporated.

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Eduardo V. Manalo

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Chairman of the Board

Contact

Eagle Broadcasting Corporation Bldg. No. 25 Central Ave., CuliatQuezon City, 1128 PhilippinesTelephone Number: +632-784-7450 iglesianicristo.net/inctv/

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).

Sources Media Profile

Coming Soon

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ