IBC 13

Ang IBC 13 ay isa sa tatlong mga himpilan na pag-aari ng gobyerno. Ang IBC ay tumatayo para sa Intercontinental Broadcasting Corporation. Ito ay nagsasahimpapawid ng libre sa TV channel 13 sa very high frequency (VHF). Ito ay korporasyon na pag-aari at kontrolado ng gobyerno na kasalukuyang sumasailalim sa proseso ng pagsasapribado. Ang himpilan ay kasalukuyang nagsasahimpapawid ng kawili-wiling timpla ng mga palabas tulad ng home shopping, sabong, at pang relihiyon na programa. Ang istasyon ay may 0.15 porsiyentong audience share batay sa National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen mula Enero hanggang Agosto 2016.Iba't ibang relihiyon ang nagsasahimpapawid ng kanilang mga programa sa IBC. Ito ang mga Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch), ang Kerygma TV ng Katolikong simbahan at El Shaddai, ang Katolikong charismatic group na pinangungunahan ng maimpluwensiyang si Mariano “Mike” Velarde. Ang IBC 13 ay nag umpisa noong 1960 bilang Inter-Island Broadcasting Corporation na pag-aari ng noo’y may-ari ng San Miguel Corporation na si Andres Soriano Sr.. Ang kilalang crony ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, si Roberto Benedicto ang nakakuha ng istasyon noong kinalaunan.Matapos ang 1986 People Power Revolution, inilit ng gobyerno sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang istasyon bilang bahagi ng pagbawi sa nakaw na yaman ng mga Marcos. Bagaman pag-aari pa rin ng gobyerno ang IBC, ang himpilan ay tumatakbo na parang pribadong korporasyon; hindi ito kumukuha ng pinansiyal na suporta mula sa gobyerno at umaasa sa kita ng istasyon para sa sariling operasyon. Noong 2010, ang network ay pumasok sa isang P780-milyong joint venture kasama ang Prime Realty, na may kaugnayan sa R-II Builders Group ni Reghis Romero Jr. para sa pag debelop ng Broadcast City, kung saan naroon ang RPN at IBC, bilang proyekto ng real estate sa Quezon City. Ilang mga senador ang nagkuwestiyon sa kontrata dahil nakasasama ito sa gobyerno. Ang pagsasapribado ng himpilan ay gagawin sa pamamagitan ng public bidding. Ang tinatayang pinakamababang halaga ng mga bid ay P1.977 bilyon.Sa isang pahayag kamakailan, sinabi ng administrasyong Duterte na plano nitong ibenta ang istasyon sa halagang P10 bilyon.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

0.15

Klase ng pagmamay-ari

pampubliko

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Presidential Communications Operations Office (PCOO)

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang IBC-13 ay pag-aari ng Intercontinental Broadcasting Corporation sa ilalim ng pamamahala ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Grupo / Indibidwal na may-ari

Jose B. Avellana, Jr.

Si Jose B. Avellana, Jr. ay abogado at Honorary Consul ng Consulate of the Republic of Mali sa Pilipinas mula pa noong Setyembre 2003. Siya ay direktor at ingat-yaman ng Intercontinental Broadcasting Corporation.

?
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1960

Tagapagtatag

Andres Soriano, Sr.

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Andres Soriano, Sr. ay naging aide ni Gen. Douglas MacArthur noong ikalawang digmaang pandaigdig at ang dating may-ari ng San Miguel Corporation, isa sa pinakamalaking kumpanya ng pagkain, inumin at packaging sa Pilipinas.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Manolito O. Cruz

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

President and CEO

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Jose B. Avellana, Jr.

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Chairman

Contact

Broadcast City, Capitol Hills, Diliman, Quezon City Telephone Number: +632-433-5538 loc. 201 No website

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

6 Bil P (capital stock)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ