This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-rsf.org/en/ retrieved on 2019/10/23 at 04:00
Reporters Without Borders (RSF) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Reporters without borders

GNTV

Ang GMA News TV o GNTV ay himpilan na nagpapalabas ng puro balita dokumentaryo na inilunsad noong Pebrero 28, 2011 mula sa GMA Network Incorporated. Ito ay sumasahimpapawid ng libre sa TV channel 11.Ang istasyon ay mayroong 3.78 porsiyento ng audience share mula Enero hanggang Agosto 2016 base sa National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen. (link to methodology)Ang mga programa ng himpilan ay pag-aari at ginagawa ng GMA News Incorporated ngunit ang prangkisa ng himpilan mula sa Kongreso ay pag-aari ng Zoe Broadcasting Network Incorporated.Batay sa mga dokumento sa Securities and Exchange Commission, ang Kristiyanong pastor na si Eduardo Villanueva at ang kanyang pamilya ang may-ari ng Zoe Broadcasting Network Incorporated. Mas kilala bilang “Bro. Eddie,” si Villanueva ay presidente at tagapagtatag ng Jesus Is Lord Church Worldwide. Ang kanyang anak, si Emmanuel Joel Villanueva, ay kasalukuyang senador ng Pilipinas. Siya ay pinatatanggal sa puwesto ng Ombudsman kamakailan dahil sa umano'y anomalya sa pag gamit ng kanyang pork barrel fund.Ang GMA News Network Incorporated ang humahawak ng pangangasiwa at operasyon ng istasyon.Ang GNTV ang sagot ng GMA News Network Incorporated sa mga kahilingan ng mga manonood “para sa mga isinasapanahon na balita sa Filipino at mga palabas tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari sa mas maagang oras,” sabi ng puno ng News TV na si Nessa Valdellon sa isang balita ng network.Ang himpilan ay nagpapalabas ng oras-oras na pagbabalita, aktuwal na pag-uulat ng mga pangyayari, mga malalimang dokumentaryo, reality format, investigative program, at public service.Ang mga programa ng GNTV ay mapapanood din sa Estados Unidos, Canada, Gitnang Silangan, North Africa, Europa, Australia, New Zealand, Hong Kong, Singapore, Japan, Malaysia, Madagascar, Palau, Guam at Saipan mula noong Setyembre 2011.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

3.78

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

mga kompanya o grupo ng media

GMA Network Incorporated

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

GNTV ay parehong pag-aari ng GMA Network Incorporated at Zoe Broadcasting Network Incorporated. Ang Kristiyanong pastor na si Eduardo Villanueva at ang kanyang pamilya ang may-ari ng Zoe Broadcasting Network Incorporated. Ang GMA Network Incorporated ay pag-aari ng mga pamilya Gozon, Jimenez, at Duavit.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Group Management Development, Incorporated (through GMA Network, Incorporated)

"General contracting business" ang sinasabi sa mga dokumento ng Group Management Development Incorporated sa Securities and Exchange Commission, ito ay pag-aari ng pamilya Duavit.

23.5%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

2011

Tagapagtatag

GMA Network, Incorporated

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Ang GMA Network Incorporated ay nagpapatakbo ng network ng 47 Very High Frequency (VHF), 33 Ultra High Frequency (UHF) na mga istasyon ng telebisyon at 24 na istasyon ng mga radyo sa buong bansa.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Felipe L. Gozon

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Felipe L. Gozon ay chairman of the board at chief executive officer ng GMA Network Incorporated. Siya ay nagsilbing abogado ng tagapagtatag ng himpilan na si Robert La Rue Stewart. Siya ay Senior Partner sa Law Firm na Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila at isa sa mga may-ari ng GMA media conglomerate.

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Gilberto R. Duavit, Jr.

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Gilberto R. Duavit, Jr. ay Presidente at Chief Operating Officer ng GMA Network Incorporated, direktor ng GMA Network, Incorporated mula pa noong 1999, Chairman ng Executive Committee ng network, Chairman of the Board ng GMA Network Films Incorporated at GMA Worldwide Incorporated at Vice Chairman of the Board ng GMA Marketing and Productions Incorporated, Presidente at CEO ng GMA Holdings Incorporated, Scenarios Incorporated, RGMA Marketing and Productions Incorporated, Film Experts Incorporated, at Dual Management and Investments Incorporated, Presidente at direktor ng Group Management and Development Incorporated, Presidente at direktor ng MediaMerge Corporation, Citynet Network Marketing and Productions Incorporated, direktor ng RGMA Network Incorporated, GMA New Media Incorporated, Alta Productions Group Incorporated, Optima Digital Incorporated, at Mont-Aire Realty and Development Corporation, Presidente at Trustee ng GMA Kapuso Foundation Incorporated, Trustee ng Guronasyon Foundation Incorporated (dating LEAF) at trustee ng HERO Foundation.

Contact

GMA Network Center EDSA corner Timog Avenue Diliman, Quezon City, 1101 PhilippinesTelephone Number: +632-982-7777www.iGMA.tv

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

GMA Network, Incorporated is a publicly listed corporation and is required by law to disclose all company details.
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).
The Securities Regulation Code, Republic Act 8799, which was enacted into law in 2000, lays down stringent disclosure requirements for companies that wish to make a public offering or that are already publicly listed, including who its beneficial owners are.

The Securities and Exchange Commission’s Memorandum Circular No. 11, series of 2014, requires all publicly listed companies to post on their websites the following information, among other things:
1) Company profile, mission and vision, Board of Directors, organizational structure, shareholding structure, Articles of Incorporation and By-Laws;
2) The disclosures required by the SEC, including periodic reports, statement of beneficial ownership and the General Information Sheet;
3) Manual on Corporate Governance, Annual Corporate Governance Reports;
4) Company policies on whistleblowing, conflict of interest, insider trading, related party transactions, health and welfare of staff;
5)Investor relations programs and shares, including the total outstanding shares, exchanges where the shares are listed, and the top 20 shareholders of the company. # Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.86

Sources Media Profile

2016. Securities and Exchange Commission. Financial Statement of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ