This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-rsf.org/en/ retrieved on 2019/07/17 at 04:21
Reporters Without Borders (RSF) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Reporters without borders

GMA 7

Ang GMA 7 o Kapuso Network ay ang pangunahing istasyon ng telebisyon ng higante sa media na GMA Network Incorporated (link sa GMA Network Incorporated’s profile), isa sa pinakamalaking conglomerate ng media sa Pilipinas.Ang komersya na istasyon ng telebisyon nito ay libreng sumasahimpapawid sa TV channel 7 sa very high frequency (VHF). Ito ay malapit na kakumpitensya ng ABS-CBN 2 pagdating sa naaabot, audience share, at kita sa patalastas.Ang himpilan ay nagpapalabas ng iba't ibang programa mula mga serye ng drama, sitcom, musical variety show, infotainment, entertainment, at balita at mga kasalukuyang pangyayari.Ang mga programa ng GMA 7 ay maaari ding mapanood sa labas ng bansa sa pamamagitan ng pandaigdig na himpilang GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International at makukuha sa cable, direct-to-home, at Internet Protocol Television (IPTV).Ipinakita ng National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen na ang istasyon ay nakakuha ng 35.95 porsiyentong audience share mula Enero hanggang Agosto 2016. (link sa methodology)Ang network ay nag umpisa bilang istasyon ng radyo at unang nag brodkas noong Marso 1, 1950. Isang Amerikano at dating war correspondent, si Robert La Rue Stewart, na kinalaunang nakilala bilang “Uncle Bob” dahil sa kanyang personalidad sa telebisyon, ang nagtatag ng istasyon na tinawag na Republic Broadcasting System (RBS).Noong 1975, dahil ang istasyon ay nalulugi at ang mga dayuhan ay hindi na maaaring magmay-ari at mamahala ng mga kumpanya ng media, isinuko ni Stewart ang kontrol ng istasyon sa kanyang abugado na si Felipe Gozon, sa bayaw ni Gozon na si Menardo Jimenez, at kay Gilberto Duavit, Sr., kaibigan ni Gozon at isa sa mga presidential assistant ni Marcos.Ngayon si, Felipe Gozon ang umuupong chair at chief executive officer ng GMA Network Incorporated samantalang si Gilberto Duavit Jr., anak ni Duavit Sr., ang presidente at chief operating officer. Si Joel Marcelo Jimenez, ang ikalawang anak ni Menardo Jimenez, ay direktor ng network mula pa noong 2002.Ang unang apat na mga kasapi sa mga namumuhunan sa kumpanya sa taong 2016 ay ang Group Management Development Incorporated ni Duavit (23.47 porsiyento), GMA Holdings Incorporated (21.72 porsiyento), FLG Management & Development Corporation ni Gozon (19.73 porsiyento), at ang M.A. Jimenez Enterprises Incorporated ng mga Jimenez (13.49 percent).Ang mga pangunahing istasyon ng radyo ng GMA Network Incorporated ay ang DZBB 594 sa AM at 97.1 sa FM.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

35.95

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

antas ng transparency, kung saan kusang ipinaaalam ng kompanya ang tungkol sa pagmamay-ari nito. Ang mga datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan.

maagap at komprehensibong pagpapa-alam kaugnay ng pagmamay-ari ng kompanya, ang datos ay patuloy na isinasapanahon at madaling mapatutunayan

4 ♥

mga kompanya o grupo ng media

GMA Network Incorporated

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang GMA 7 ay pag-aari ng GMA Network Incorporated, na ang mga pinakamalaking namumuhunan ay ang Group Management Development Incorporated at GMA Holdings Incorporated, na pag-aari ng mga pamilya Gozon, Jimenez, at Duavit.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Group Management Development, Incorporated

"General contracting business" ang sinasabi sa mga dokumento ng Group Management Development Incorporated sa Securities and Exchange Commission, ito ay pag-aari ng pamilya Duavit.

23.5%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1961

Tagapagtatag

Robert La Rue Stewart

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Dating Amerikanong war correspondent, si Stewart ay kilala sa kanyang personalidad sa radyo at telebisyon na “Uncle Bob.”

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Felipe L. Gozon

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Felipe L. Gozon ay chairman of the board at chief executive officer ng GMA Network Incorporated. Siya ay nagsilbing abogado ng tagapagtatag ng himpilan na si Robert La Rue Stewart. Siya ay Senior Partner sa Law Firm na Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila at isa sa mga may-ari ng GMA media conglomerate.

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Gilberto R. Duavit, Jr.

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Gilberto R. Duavit, Jr. ay Presidente at Chief Operating Officer ng GMA Network Incorporated, direktor ng GMA Network, Incorporated mula pa noong 1999, Chairman ng Executive Committee ng network, Chairman of the Board ng GMA Network Films Incorporated at GMA Worldwide Incorporated at Vice Chairman of the Board ng GMA Marketing and Productions Incorporated, Presidente at CEO ng GMA Holdings Incorporated, Scenarios Incorporated, RGMA Marketing and Productions Incorporated, Film Experts Incorporated, at Dual Management and Investments Incorporated, Presidente at direktor ng Group Management and Development Incorporated, Presidente at direktor ng MediaMerge Corporation, Citynet Network Marketing and Productions Incorporated, direktor ng RGMA Network Incorporated, GMA New Media Incorporated, Alta Productions Group Incorporated, Optima Digital Incorporated, at Mont-Aire Realty and Development Corporation, Presidente at Trustee ng GMA Kapuso Foundation Incorporated, Trustee ng Guronasyon Foundation Incorporated (dating LEAF) at trustee ng HERO Foundation.

Contact

GMA Network Center EDSA corner Timog Avenue Diliman, Quezon City, 1101 PhilippinesTelephone Number: +632-982-7777 <<a href="www.iGMA.tv" class="intern" target="_blank">www.iGMA.tv> <a href="www.iGMA.tv" class="intern" target="_blank">www.iGMA.tv

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

GMA Network, Incorporated is a publicly listed corporation and is required by law to disclose all company details.
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).
The Securities Regulation Code, Republic Act 8799, which was enacted into law in 2000, lays down stringent disclosure requirements for companies that wish to make a public offering or that are already publicly listed, including who its beneficial owners are.

The Securities and Exchange Commission’s Memorandum Circular No. 11, series of 2014, requires all publicly listed companies to post on their websites the following information, among other things:
1) Company profile, mission and vision, Board of Directors, organizational structure, shareholding structure, Articles of Incorporation and By-Laws;
2) The disclosures required by the SEC, including periodic reports, statement of beneficial ownership and the General Information Sheet;
3) Manual on Corporate Governance, Annual Corporate Governance Reports;
4) Company policies on whistleblowing, conflict of interest, insider trading, related party transactions, health and welfare of staff;
5)Investor relations programs and shares, including the total outstanding shares, exchanges where the shares are listed, and the top 20 shareholders of the company. # Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.86

Sources Media Profile

Financial Statement of GMA Holdings Incorporated (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ