DWWW 774

Ang DWWW 774 kHz ay isang istasyon ng radyo sa AM na nagsasahimpapawid ng balita at kasalukuyang pangyayari, at mga programa ng musika. Ang unang komersyal na brodkas ng istasyon ay noong Oktubre 31, 1996, sa ilalim ng pamamahala ng beteranong brodkaster na si Rene Palma at negosyanteng si Roberto Bacsal.Sa panahon na iyon, inilarawan ng istasyon ang sariling mga programa bilang "mapangahas at makabago, at hindi gaanong maingat." Hindi katulad ng ibang istasyon na AM na nakatutok sa mga matatapang na komentaryo kaugnay ng mga balita, buong araw na pagbabalita, at mapalabok na mga anchor ng radyo, ang DWWW 774 ay naglaan ng higit kalahati ng oras ng brodkas nito para sa mga programa ng musika. Ito ang nagtulak sa DWWW sa ika-apat na ranggo ng mga istasyon ng AM sa Mega Manila at makakuha ng angkop na puwesto kontra sa mga karibal na istasyon.Noong 2011, sinikap ng DWWW 774 na palawakin ang tagapakinig ng istasyon at pagbutihin ang pangkalahatang latag ng mga programa sa tulong ng bago nitong manager, si Fred Davis. Sa profile ng istasyon inisa-isa ang mga makabuluhang pagbabago sa ilalim ng bagong pamamahala, na nang lumaon nagbigay daan sa bagong DWWW 774 "Ang Musika ng Iyong Buhay," na inilunsad noong Nobyembre 2 ng taong iyon.Ang istasyon ay pinatatakbo at pag-aari ng Interactive Broadcast Media, Inc. (IBMI), kaanib ng EDCanoy Prime Holdings, Inc., isang holding company na pag-aari ng pamilya Canoy. Si Enrico Canoy, ang manager ng DWWW 774, at si Davis, na tagapamahala rin ng isa sa mga programa ng istasyon na nagbibigay ng komentaryo, ay parehong bise presidentse at namumuhunan sa IBMI. Ang Republic Act 8210, na nagkaloob sa IBMI ng prangkisa na "magbuo, mag-instila, magtayo, magpatakbo at magpatuloy ng mga istasyon ng radio at telebisyon na pang brodkas sa Pilipinas", ay basta naging batas noong Setyembre 5, 1996, nang hindi napirmahan ng noo'y Pangulong Fidel V. Ramos.Noong 2015, sa ilalim ng Republic Act 10753, binigyan ng Kongreso sa IBMI ng panibangong 25-taong prangkisa.Ang himpilan ng istasyon ay nasa Greenhills, San Juan. Ang transmitter nito ay nasa Barrio Tagalag, Polo, Valenzuela. Ang DWWW 774 ay nagbro-brodkas sa Metro Manila, Central Luzon, Southern Luzon, at sa mga probinsya ng Bicol na Catanduanes, Masbate, at Camarines Norte.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

6.6

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Metro Manila, Pampanga, Tarlac, Bataan, Nueva Ecija, Zambales, Aurora, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Masbate, and Camarines Norte

Uri/ klase ng nilalaman

libre ang nilalaman

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Interactive Broadcast Media Inc.

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang EdCanoy Prime Holdings Incorporated ay holding company na pag-aari ng pamilya Canoy. May mga kaparte ito sa dalawang kumpanya sa broadcasting-- ang Radio Mindanao Network Incorporated at Interactive Broadcast Media Incorporated (IBMI). Ito ang may-ari ng Echo Media Marketing Innovations Corporation, ang eksklusibong marketing arm ng IBMI, at may 51 porsiyentong interes sa RMN Networks Marketing and Media Ventures Incorporated.

Grupo / Indibidwal na may-ari

EDCanoy Prime Holdings, Incorporated

Ang Radio Mindanao Networks Incorporated, RMN Networks Marketing and Media Ventures Incorporated, at Echo Media Marketing Innovations Corporation ay mga sangay ng EDCanoy Prime Holdings Incorporated.

99%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1996

Tagapagtatag

Rene Palma Roberto Bacsal

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Missing Data

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Eric S. Canoy, President

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Eric S. Canoy ay kabilang sa mga namumuhunan sa Radyo Veritas Global Broadcasting System Incorporated, na nagpapatakbo ng istasyon ng radyo na AM ng Katoliko, ang DZRV Radyo Veritas 846.

Punong Patnugot

Enrico Canoy, Station Manager Fred Davis, General Manager

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Bukod sa pagiging isa sa mga bise presidente ng Interactive Broadcast Media Incorporated, si Enrico Canoy ay bise presidente rin para sa operasyon ng Radio Mindanao Network Incorporated, isa rin sangay ng EDCanoy Prime Holdings Incorporated.

Contact

8th Floor, Atlanta Center, Annapolis Street, Greenhills San JuanTelephone Number: +632-661-7372

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Jan.-June 2016)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ