Bandera

Ang Bandera ay isang pag-araw-araw na tabloid na inilalathala ng Taglish, o pinaghalong Tagalog at Ingles, sa ilalim ng Inquirer Publications, Inc., isa sa mga kumpanya ng Inquirer Group of Companies.May tagline na “Balita, Buenas, Chika,” mayroon itong mga lokal at pambuong-mundong mga balita, at tsismis tungkol sa mga sikat na artista. Ang Bandera ay may tatlong hiwalay na edisyon para sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Mayroon din itong digital na edisyon na maaaring makuha sa pamamagitan ng subscription. Pinangalanan nung umpisa na Metro Times, ang Bandera ay unang inilathala noong Setyembre 10, 1990. Inilalathala ng mga Gokongwei bilang kapatid na babasahin ng The Manila Times ang Bandera bago nabili ang ng mga Prieto noong 2001, ang may-ari ngayon ng Philippine Daily Inquirer.Noong 2015, ang Philippine Post Office ay naglabas ng <commemorative stamp>www.phlpost.gov.ph/whats-happening.php para sa ika-25 anibersaryo ng pahayagan.Ang Inquirer Publications, Inc. ay pag-aari ng Inquirer Holdings, Inc. at Philippine Daily Inquirer, Inc., na may 70-30 na parte. Ang Inquirer Holdings, Inc. ay pag-aari ng pamilya Rufino-Prieto.Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ay may 25 porsiyento ng share sa Inquirer Holdings sa pamamagitan ng Excel Pacific Holding Corporation, ayon sa 2016 General Information Sheet na ipinasa ng kumpanya sa Securities and Exchange Commission.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

0.55

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

bayad ang nilalaman

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Inquirer Holdings Corporation

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang Inquirer Publications Incorporated ay nasa ilalim ng Inquirer Holdings, na pag-aari ng pamilya Prieto. Ang Excel Pacific Holding Corporation, na maaaring sundan ang bakas papunta sa Hastings Holdings Incorporated ni Manuel V. Pangilinan, ay may kaparte rin sa Inquirer Holdings.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Grupo / Indibidwal na may-ari

Philippine Daily Inquirer, Inc.

Ang Philippine Daily Inquirer Incorporated ang nag-iimprenta ng broadsheet na Inquirer.

30%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1990

Tagapagtatag

Gokongweis

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Bukod sa paglalathala ng mga babasahin, ang mga Gokongwei ay may interes din sa mga negosyo ng airline, pagkain at hotel, bukod sa iba pa.

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Marixi R. Prieto, Chairman

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Marixi Prieto ang ina ng Inquirer CEO at presidente, si Ma. Alexandra Prieto-Romualdez.

Punong Patnugot

Dona B. Policar

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Policar ay dating reporter ng pahayagang Tribune noong mga unang bahagi ng 2000.

Contact

MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st. Makati City, Metro ManilaTeephone Number: +632-895-7513bandera.inquirer.net

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Audience share from Nielsen's Consumer and Media View (Jan.-June 2016)

Sources Media Profile

General Information Sheet of Inquirer Publications, Inc. (available upon request at SEC) (2016), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ