This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-rsf.org/en/ retrieved on 2019/07/17 at 05:13
Reporters Without Borders (RSF) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Reporters without borders

Aksyon TV

Ang AksyonTV ay komersyal na istasyon ng telebisyon na libreng nagsasahimpapawid sa ultra high frequency na magkasosyong pag-aari at pinatatakbo ng TV5 Network Incorporated at Nation Broadcasting Corporation. Ang dalawa ay parehong sangay ng MediaQuest Holdings Incorporated na ang punong kumpanya ay may-ari ng pondo para sa pensyon ng mga empleyado ng PLDT Incorporated.Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ang umuupong chair ng MediaQuest Holdings at PLDT, kung saan siya rin ang presidente at chief executive officer. Ang abogadong si Ray Espinosa ay may koneksyon din sa TV5 Network Incorporated bilang chair ng talong ibang kumpanya na may hawak ng 70.9 porsiyento ng TV5 Network. Ang MediaQuest Holdings ang may hawak ng natitirang 29.1 porsiyento .Ang MediaQuest Holdings ay pangunahing kasapi ng mga namumuhunan sa Nation Broadcasting Corporation.Ang audience share ng AksyonTV ay 0.29 porsiyento mula Enero hanggang Agosto 2016, batay sa National Urban TV Audience Measurement ng Nielsen (link to methodology). Ang AksyonTV ay kapatid na istasyon ng TV5. Pinatototohanan ang pangalan, na ang ibig sabihin ay Action TV, ang istasyon ay nagpapalabas ng balita at kasalukuyang pangyayari, public service, at larong pampalakasan. Ang mga programang ito ay Ingles at Filipino. Nagsasahimpapawid din ito ng mga aktuwal pangyayari na mula sa istasyon radyo na Radyo5 92.3 News FM ng TV5 Inc.Ang ibang nilalaman nito ay maaarin din mapanood sa pandaigdig na himpilang Kapatid TV5 at AksyonTV International.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

0.29

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

TV 5 Network Incorporated

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang AksyonTV ay pag-aari ng TV5 Network Incorporated (dating Associated Broadcasting Company) at Nation Broadcasting Corporation, parehong mga sangay ng MediaQuest Holdings Incorporated na ang punong kumpanya ay ang may-ari ng pondo ng pensyon ng mga empleyado ng PLDT Incorporated (dating Philippine Long Distance Telephone Company). Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ang pinuno ng iba't ibang mga conglomerate sa Pilipinas na sa huli ay talagang sa First Pacific group of companies ng Indonesian na negosyanteng si Anthoni Salim.

Grupo / Indibidwal na may-ari

MediaQuest Holdings, Incorporated (through Nation Broadcasting Corporation)

Ang MediaQuest Holdings, Incorporated ay holding company ng media conglomerate ng PLDT Beneficial Trust Fund na kinabibilangan ng TV5 Network Incorporated, Nation Broadcasting Corporation, at mga broadsheet na The Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, at BusinessWorld sa pamamagitan ng Hastings Holdings. Ang punong kumpanya nito ay ang kumpanya na nagmamay-ari sa pondo ng pensyon ng mga empleyado ng PLDT, Incorporated (dating Philippine Long Distance Telephone Company). Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ang puno ng iba't ibang mga conglomerate sa Pilipinas na
sa huli ay talagang sa First Pacific group of companies ng Indonesian na negosyanteng si Anthoni Salim.

51%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

2011

Tagapagtatag

TV5 Network, Incorporated (formerly Associated Broadcasting Company)

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Ang TV5 Network Incorporated (dating Associated Broadcasting Company) ay sangay ng MediaQuest Holdings Incorporated na ang punong kumpanya ang may-ari ng pondo ng pensyon ng mga empleyado ng PLDT Incorporated (dating Philippine Long Distance Telephone Company).

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Manuel V. Pangilinan

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Manuel V. Pangilinan, mas kilala sa mundo ng negosyo bilang MVP, ang umuupong chair ng parehong PLDT, kung saan siya ay presidente at chief executive officer, at MediaQuest Holdings.

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Emmanuel C. Lorenzana

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Emmanuel C. Lorenzana ay dating Presidente ng TV5 Network Incorporated. Nag-retiro siya noong Septiyembre 30 at pinalitan ni Vincent “Chot” Reyes bilang presidente at CEO ng TV5 Network.

Contact

TV5 Media CenterReliance Corner Sheridan StreetMandaluyong City 1552Telephone Number: +632-689-3100www.tv5.com.ph

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Data based on Audience share from Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (Jan-June 2016).

Sources Media Profile

Coming Soon

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Reporters without borders
  • Funded by
    BMZ